Monthly Archives: August 2012

Ang Dapat Maisip ng mga Batang Ina

Standard

 

ITONG paglilihis ng landas, na tinahak nila noong mga  panahong kulang ng paggabay at pangangaral ng kanilang mga magulang, noong hindi pa naipapakilala sa mga realidad ng buhay ito ang mga haliparot, ay namulat sa lubos na kamangmangan at kamusmusan. Dala-dala niya sa kanyang sinapupunan ang mga bagong buhay at lalung-lalo na ang mga responsibilidad na kaakibat nito, sila ay kanyang palalakihin at tuturuan ng mga magandang asal, labis ang pagmamahal na dapat ibinubuhos nang walang hinihinging kapalit; kayat dahil dito’y dapat lang na paghandaan ang pagiging ganap na ina ng isang babae. Pagsisi’t panghihinayang at labis na panimdim ay siyang sasalubong sa inyo at sasampalin ng katotohanang mali ang ginawa nilang mag-syota.

 

Nagpakilala ang isang lalaki at dumulog na nakikipagkaibigan. Sa mabuti niyang intensyon na diumano, kayong dalawa’y aakayin sa lalong kaligayahan, at lalong uusbong ang inyong pagmamahalan, ang nagawang mga asal ay nangyaring hindi inaasahan. Gayon man, kayo’y nagpadala sa bugso ng inyong mga damdamin na siyang nag-udyok at pinaglaruan ang inyong mga emosyon sa pamamagitan ng isang simpleng hipo, at yao’y humantong sa di inaasahang pangyayari, tanda ng tunay at lubos na pagnanasang hindi magtataksil sa katipan. Ito’y siyang tinatawag na Katangahan (1) ng babae at ni lalaki na ng hari kanyang pagkamakaako .(2)

 

Buhat nang ito’y mangyari ay nasayang na ngayon ang labinwalong taong mahigit na ang  dignidad at reputasyon ni babae ay pilit na iniingatan ng kanyang mga magulang; sila’y  pinapangaralan at binubusog, kahit abutin ng mga kawawang magulang ang labis na hirap at pagod. Ginugugol nila ang pawis, dugo at puso sa pagpapalaki sa kanila; binigyan lamang nila ng tunay na kahihiyan, at gayon din naman ang mga lalaki, na nagbalak na umagaw sa kanila nitong pagkamusmos ng babae.

 

Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nilang dalawa ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa kanilang pagsasama? Ano ang nakikita nilang pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng kanilang pagkalugmok? Wala kundi pawang kasiraang-puri ang dulot sa kanilang mga pagkatao. At ang mga pagkadismaya sa kanilang mga magulang sila ay lalong lalayo tungo sa kadiliman?

 

Bagkus kayo’y nalugmok sa isang malaking problema, naligaw kayo sa gitna ng mga mali na asal, pinilit na sinira ang kamusmusan at kapurihan ng inyong mga batang isipan. Iminulat kayo sa isang malaking katotohanan na kayo’y mga batang ina at nakaatang sa inyong mga balikat ang panghabamuhay na trabahong ito.

 

At kung kayo’y nagsisisi at humingi ng pagtakas sa kamaliang ito, ang nagiging kasagutan ay ang kayo’y wala nang magagawa at itatak sa mga isip na ito ay isang aksyon na kailangan ninyong pangatawanan. Ngayon, wala nang ibang solusyon na nararapat gawin sa inyong mga pagkakamali. Ngayon, lagi nang ginagambala ang inyong
konsensya na gawin ang tama at naayon.

Ngayon, kayo’y malulunod na sa nagbabahang luha ng pagtatanto ng pagiging tagpangalaga na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na lumaki nang maayos, na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tingga na sumasalang sa mahapding sugat ng inyong pagkataong tila nasira. Ngayon, lalo’t lalo tayong nabibilibiran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan.

 

Ano ang nararapat ninyong gawin?

 

Ang dignidad ng kababaihan na maaaring ialay sa takdang panahon ay nararapat na ingatan at ilayo sa mga maaaring makasira nito. Ang kapurihan niya’y ingatan sa ating mga sarili upang makuha natin ang respeto at paggalang ng kalalakihan sa ating pagkatao.

 

Itinuturo ng ating mga magulang na wala tayong iba pang matatawag at aangkining atin kundi lamang ang respeto sa sarili, lalo’t lalong dignidad, lalo’t lalong reputasyon, at lalo’t lalong pagkababae.

Itinuturo ng ating mga guro na huwag nating sayangin ang natatanging pagkakakilanlan sa ating mga sarili na hindi dapat nasisira at hindi nayayanig.

Itinuturo ng lipunang ating ginagalawan na ang mga kababaiha’y ilaw sa ating mga tahanan at huwag hahayaang mabasag sa kamay ng mga hindi maiingat.

Itinuturo ng batas ng Diyos na ang mga kababiha’y rinerespeto, iniingatan at minamahal, at tayong mga kababaihan ang siyang may pangunahing responsibilidad sa pagpapatupad ng batas na ito.

Panahon na ngayong dapat na ituwid ang nalihis ng daan.

Panahon nang dapat nating panindigan na tayo’y may sariling pagkakamali, may karanasang mapait, may malalaman at matututunan.

Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagtatama ng mga pagkakamali at matutunan ang mga dakilang aral na siyang magbabalik sa masinsing puri na nawala sa kanilang mga kamay. Panahon na ngayong dapat maibalik ng mga magulang ang tiwala sa kanilang mga anak. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay dapat sinusuri ang ating mga aksyon at naayon sa kung ano ang tama at nararapat.

Kaya, O mga batang ina! Inyong kalimutan ang mapait na kahapon, at lakas-loob na harapin ang dala-dala ng bukas at lubos na manindigan na ibangon ang sarili sa lalong pagkabuo ng pagkataong nasira.